reseller guide
Ang pag Re-reselling ay ang isa sa pinakamadaling business na i-manage.
Hindi mo na kailangan maging expert sa kahit na anong bagay, hindi kailangan gumawa ng produkto, hindi kailangan ng malaking puhunan at hindi mo kailangan ito gawin ng full time.
​
Ang kailangan mo lang ay maging resourceful.
Ngayon, madali nang makahanap ng impormasyon dahil may internet. Ang wifi at data ay abot kaya at madaling gamitin. Ang mga tao ay pwede nang mag shop, nasaan man sila, at kahit anong oras nila gusto gamit ang computer or phone.
If you want do reselling, here are some reseller tips
1. BASIC KNOWLEDGE
-
Pumili ng produkto base sa kaalaman at hilig mo. Mahirap ang mag benta ng isang bagay na hindi mo type o wala kang kaalaman. Hindi kailangan maging experto, pero kailangan mong maging interesado dito. Alamin kung ang produkto mo ay necessity or hilig lamang. Ang benta ng produkto ay nakasalalay sa dito.
-
Mag hanap ng reliable source or supplier. Para maka focus ka sa pagbenta.
2. NUMBERS
-
Magcanvass. Pag kumparahin ang halaga ng produkto sa merkado, kung ano ang mga presyo nito. Mula dito, mag decide kung mag kanong kita ang tama para sa yo at mag set ng presyo.
-
Anong payment method ang iyong tatanggapin.
-
Tatanggap kaba ng Cash on delivery? Bank transfers? Money Transfer? Credit Card?
3. SALES and PROMOTION
-
Dahil na rin sa Covid, magpfocus tayo sa online selling. Pumili ng useful na sales channel tulad ng FB marketplace at Carousell, plus, may iba pang free na sites. Mag aral tayong matutunan gamitin ang mga ito.
-
Kunan ng litrato ang produkto at gawan ng description. Gawing attractive ang iyong produkto. Maging creative para mag stand out sa competition. Siguraduhing malinaw ang mga picture at description. Mula dito, nagkakaroon na ng impression ang taong nakakakita kung bibili sila. Kung gagamit sa picture ng iba, siguraduhing humingi ka ng pahintulot para maiwasan ang problema.
-
Maging responsive pag may mga nagtatanong o nag iinquire. Maging magalang.
-
Gumamit ng automatic responder para sa oras na hindi ka online, or ilagay ang oras kelan ka available, para aware ang mag memessage sayo.
4. DISTRIBUTION
Mamili kung paano matatanggap ng bumibili ang item:​
-
Pick-up ba?
-
Meet-up ba?
-
Delivery (anong courier ang gagamitin)
Pagdesisyunan ang mga importanteng detelye dito at isama ang presyo ng delivery
5. FEEDBACK
-
Magtanong kung natanggap ni buyer ang order. Dito karin magkakaroon ng ideya kung nagustuhan ni buyer ang goods and services mo. Makakatulong ito para malaman mo na tama ang iyong ginagawa, at para rin mabigyan ka ng suggestions for improvement.
6. BE AWARE
-
Minsan may mga manloloko o scammers. Matutong mag ingat at maging aware.
-
Makinig sa karanasan ng iba para maiwasan na sa iyo mangyari.
If you find these tips helpful, please let us know. We'd be happy to come up with more tips and related know hows in the future.